2 sundalo patay sa BIFF

MANILA, Philippines – Pinagbabaril sa ulo at namatay noon din ang dalawang sundalo ng mga pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bisinidad ng pamilihang bayan ng Buldon, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang sundalo ay kinilalang sina Corporal Nerger Pinero at Private First Class Jamaneel Bulaybolay.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay nakasibilyan ang dalawang sundalo na namamalengke sa pamilihang bayan ng Buldon nang ito ay pagbabarilin ng dalawang suspek sa ulo.

Ang dalawang sundalo ay pawang miyembro ng Army’s 37th Infantry Battalion (IB) na aktibo sa isinasagawang all out offensive laban sa BIFF rebels.

Nang bumulagta ang dalawang sundalo ay tumakas ang mga suspek tangay ang M16 rifle ni Pinero.

Show comments