Jolo isasailalim sa paraffin test
Angie dela Cruz, (Pang-masa) - March 5, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sumulat na ang Muntilupa police sa pamilya Revilla noong Marso 2 at hiniling na i-paraffin test si Cavite Vice Go­vernor Jolo Revilla matapos nitong mabaril ang kanyang sarili habang nasa loob ng bahay ng kanyang mga magulang sa Ayala Alabang Village Muntinlupa City noong Sabado ng umaga.

Ayon kay P/Senior Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, kapag ani­ya may mga ganitong insidente ay mayroon silang standard opera­ting procedure (SOP) upang malaman kung sino ang may hawak ng kalibre Glock 40.

Naintindihan naman ng pulisya ang pamilya Revilla kung hindi pa ito tumutugon sa kanilang kahilingan, dahil mayroon pa silang pinagdadaanang problema kung saan nagpapagaling pa si Jolo sa Asian Hospital dahil sa maselan nitong kondisyon.

Samantala, isinuko na kahapon ng pamilya Revilla ang nasabing baril na nakaaksidente kay Jolo.

Hindi na hihirit pa si suspended Senator Bong Revilla na makalabas muli ng kulungan para mabisita ang anak dahil sa gumaganda na ang kondisyon nito.

Ayon sa tagapagsa­lita ng pamilya Revilla na si Atty. Raymond Fortun na umiiwas sila sa mga batikos ng ilan na ginagamit ang kalagayan ng anak para malabas ng kulungan sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

ALLAN NOBLEZA ASIAN HOSPITAL AYALA ALABANG VILLAGE MUNTINLUPA CITY AYON CAMP CRAME CAVITE VICE GO CUSTODIAL CENTER JOLO REVILLA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with