Negosyanteng Intsik dinukot ng Abu

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Chinese ang dinukot ng anim na mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Jolo, Sulu kamakalawa.

Ang  biktima ay kinilalang si Hya Dingkim Yap, 58, residente ng Brgy. Chinese Pier, Jolo ng lalawigan.

Sa ulat ni AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom)  Spokesperson Captain Rowena Muyuela, dakong alas-12:30 ng tanghali nang dukutin ang biktima ng mga suspek sa lugar at isinakay sa isang kulay asul na Tamaraw FX na walang plaka. 

Sa tala ng militar  nasa 8 pa ang bihag ng mga bandido sa lalawigan ng Sulu na kinabibilangan ng mga dayuhan at negosyante.

 

Show comments