Pulis-QC patay sa tandem

Ang bangkay ni PO3 Frederick Gracilla, 38, ng Quezon City Police Station 9 matapos itumba  ng riding-in-tandem kahapon ng umaga sa kahabaan ng Esteban Abada St., Brgy. Loyola Heights, Quezon City.-BOY SANTOS-  

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang pulis nang ito ay barilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si PO3 Frederick Gracilla, 38, nakatalaga sa Quezon City Police Station 9.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga sa kahabaan ng Esteban Abada St., Loyola Heights ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo, angkas ang isang kaanak nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Namatay agad ang biktima, habang nakaligtas naman sa insidente ang angkas nito.

 

Show comments