3 pope mobile inihanda para kay Pope Francis

Mabentang-mabenta ang mga Pope Francis souvenir t-shirt  sa isang palengke sa Tacloban City na isa sa lugar na dadalawin ng Santo Papa sa Enero 17 na kung saan katatagpuin ang mga biktima ng bagyong Yolanda.- VAL RODRIGUEZ-  

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang Catholic Bishop’s Confe­rence of the Philippines (CBCP) sa  pagbisita ng Santo Papa sa Huwebes.

Ito ang paniniyak ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop  Socrates Villegas  kasabay  ng  pahayag na tatlong uri ng pope mobile ang  ilalaan at posibleng  pagpilian  ni Pope Francis.
Sinabi ni Villegas  sa isang forum sa University of Santo Tomas (UST) na tatlong pope mobile ang inilaan nila upang may mapagpiliang sasakyan ang Santo Papa na akma sa lugar na pupuntahan nito.

 

Show comments