_pang-masa
^

Lider ng robbery group, nadakip

Ludy Bermudo (Pang-masa) - January 10, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad ang lider ng “Macalanda Robbery Holdup Gang” dahil lang sa nagmomotorsiklo na walang helmet at lisensiya kamakalawa sa Paco, Maynila.

Ang naaresto ay kinilalang si Hero Macalanda, alyas “Tom”, 24-anyos, binata,residente ng no. No. 2241 Liiridium St., Sta. Ana, Maynila. 

Nabatid na si Macalanda ay  matagal nang wanted sa batas at pinaghahanap ng itinatag ng MPD-Station-6 na “Task Group  Manhunt”.

Bago ang pagdakip sa suspek bandang alas-4:20 ng hapon, isang caller ang nagbigay ng impormasyon sa San  Andres Police Community Precinct (PCP) hinggil sa presensiya ni Macalanda sa bahagi ng Bo. Sta Maria., Paco.

Nagtungo ang nasabing task group at naabutan pa nila ang suspek na si Macalanda na sakay ng itim na “Racer’ MD100 motorcycle na may plakang 8415UV, walang helmet.

Sinita ito at hinanapan ng drivers license na wala ring maipakita at nang kapkapan ay nakuha sa kaniya ang isang.38 kalibreng pistol na may anim na  bala.

ANDRES POLICE COMMUNITY PRECINCT HERO MACALANDA LIIRIDIUM ST. MACALANDA MACALANDA ROBBERY HOLDUP GANG MAYNILA NABATID STA MARIA TASK GROUP
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with