3 paslit nalunod sa ilog

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang paliligo ng tatlong paslit sa ilog nang sabay sabay silang malunod kamakalawa sa Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Apple Tabanan, 6; utol nitong si Queenrain Tabanan, 7; at pinsan nilang si Jasmin Tabanan, 9 na pawang residente ng Brgy. San Jose 1, Noveleta, Cavite.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon ay nagka­yayaan ang mga biktima na maligo sa ilog sa ilalim ng tulay ng nasabing barangay.

Habang naliligo ay biglang lumakas ang agos ng tubig at tinangay ang tatlo sa malalim na bahagi na naging dahilan ng kanilang pagkalunod.

Unang narekober ang katawan ng magkapatid habang mahigit sa 2 oras bago narekober ang katawan ni Queenrain ng grupo ng Diving Team ng NAVSOG ng Phil. Navy.

Show comments