Ex-barangay opisyal tepok sa tandem

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at napatay ang isang dating opisyal ng barangay ng riding in tandem kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Alfonso Medical Center ay kinilalang si  Morales, 47, Ex-O ng Barangay Panghulo, Malabon City.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi ay kasalukuyang nakaupo ang biktima  malapit sa barangay outpost na matatagpuan sa Panghulo Road nang ito ay lapitan ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Nang masiguradong patay ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Show comments