Nangholdap sa staff ni Senador JV, nadakip

MANILA, Philippines - Nalambat na ng pulisya ang  pangunahing suspek sa panghoholdap  at pamamaril sa staff ni Senator JV Ejercito noong nakaraang linggo.

Ang suspek ay kinilalang si Emil Joseph Dianela, 22, na naaresto sa kanyang pinagtataguan sa 1138-B Pedro Gil St., Paco, Maynila na siyang nangholdap at bumaril sa biktimang si Kathlyn Mary Ann Tan noong Disyembre 3 sa Quirino Avenue, Benitez St., Malate.Maynila.- Doris Franche-Borja, Malou Escudero

Show comments