^

Police Metro

Suspek sa rape/slay ng sanggol sa San Juan, timbog

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang apat na buwang pagtatago ay natimbog na kahapon sa Mandaluyong City ng mga otoridad ang suspek sa panghahalay at pagpatay sa 11 buwang gulang na sanggol na babae sa San Juan City noong Agosto 1.

Ang suspek ay kinilalang si Arnel Tumbali, alias Digoy, na inaresto habang nagtitinda ng mani sa harap ng isang hotel sa kanto ng EDSA at Sultan St., Barangay Highway Hills, Mandaluyong City  dakong alas-12:10 ng tanghali.

Hindi na pumalag si Tumbali, tubong Cagayan nang ito ay arestuhin at sa presinto ay inamin nito ang panghahalay at pagpatay sa sanggol na si Geralyn Cortez.

Magugunita na nag-alok si San Juan City Mayor Guia Gomez at concerned citizen ng P200,000 reward para sa ikadarakip ni Tumbali.

Ayon naman kay Senior Superintendent Ariel Arcinas, hepe ng San Juan police na isang Constantino ang nagbigay ng impormasyon sa mga opis­yal ng Barangay Highway Hills sa presensiya ni Tumbali, na nakasuot ng pulang jacket at puting short sa tapat ng hotel.

Sinabi pa ni Constantino na positibo siya na si Tumbali ang suspek matapos makita ang mukha nito sa telebisyon noong kainitan ng paghahanap sa kanya ng batas.

Magugunita noong Agosto 1 ay natagpuan ang katawan ng sanggol sa ilalim ng nakaparadang jeep sa kahabaan ng Don Ejercito St., Barangay Tibagan ng driver na nag­lilinis ng  kanyang jeep.

Lumabas din sa me­dico-legal na ang sanggol ay puwersahang hinalay.-Non Alquitran-

 

AGOSTO

ARNEL TUMBALI

BARANGAY HIGHWAY HILLS

BARANGAY TIBAGAN

CONSTANTINO

DON EJERCITO ST.

GERALYN CORTEZ

MANDALUYONG CITY

TUMBALI

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with