Lola na hit and run ng motorsiklo

MANILA, Philippines – Namatay habang dinadala sa ospital ang isang 68-anyos na lola matapos na masalpok ng isang motorsiklo habang tumatawid kamakalawa sa kahabaan ng National Road, P-5 Brgy Amtic, Ligao City.

Kinilala ang nasawing si Esmeralda Borabo, may asawa at residente ng Brgy. Amtic ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay kasalukuyang papatawid ng kalsada ng biglang salpukin ito ng isang motorsiklo.

Sa halip na tulungan ng hindi nakikilalang suspek biglang pinaharurot ang kanyang sasakyan.

Show comments