80 bahay sa QC, nasunog

Ganito ang kalunus-lunos na kalagayan ng nasa 120 pamilya matapos na lamunin ng apoy ang nasa 80 kabahayan sa Brgy. Masambong, Araneta Avenue kanto Sgt. Rivera St., Quezon City. (Boy Santos)

MANILA, Philippines – Trahedya ang sumalubong sa pagpasok ng Di­syembre sa mga residente ng Brgy. Manresa, Quezon City matapos na masunog ang kanilang mga bahay kahapon.

Sa ulat, naganap ang sunog dakong alas-4:55 ng madaling araw sa pagitan ng dalawang barangay sa bahagi ng G. Araneta Avenue, na nagsimula sa bahay ng isang Milagros Mabilangan, 75, ng Brgy. Manresa.

Nabatid na si Aling Milagrosa na isa ng ulyanin ay nagsisigaw ito ng “aswang” kasabay ng biglaang pagliyab ng apoy sa ikalawang palapag ng tinutuluyan nito sa panulukan ng Sgt. Rivera St., Brgy. Masambong.

Mabilis na nilamon ng apoy ang nasa 80 kabahayan na  pawang gawa lamang sa light materials.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago tuluyang naapula ito ganap na alas-6:55 ng umaga.

Show comments