Holdaper/Pusher huli

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang lalaki na umano’y drug pusher at holdaper sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong illegal possession of dange­rous drugs, illegal possession of firearm and explosive ang suspek na  si Israel Nicolas, 39,  ng Santos St., Isla San Juan, Maypajo ng naturang lungsod.

 Ayon sa mga otoridad, alas-3:30 ng hapon nang makatanggap sila ng reklamo na nagti-trip ang suspek habang may dalang baril sa kanilang lugar, kaya naman agad na rumisponde ang mga  miyembro ng Caloocan City Police.  

Nagtangka pa umano ang suspek na tumakas ngunit nahabol ng pulisya kaya’t nakuha mula sa kanya ang tatlong plastic sachet ng shabu, kalibre .45 baril at granada.

Sa nakalap na impormasyon ng Caloocan City Police, ang suspek umano ay tulak ng  droga at sangkot sa mga panghoholdap.

Show comments