Mga pulis-Maynila na may kaso, walang P10K allowance

MANILA, Philippines - Hindi kasali na mabigyan ng P10,000 allowance ang mga miyembro ng Manila Police District na may kinakasangkutang kasong administratibo at kriminal.

Kahapon ay personal na ipinagkaloob ni Manila Mayor Joseph Estrada kay MPD director Senior Supt. Rolando Nana ang kabuuang P28,427,500 halaga ng tseke para sa ipinangakong  allowance sa mga pulis.
Nagbigay din ng 10 motorsiklo na gagamitin sa mga operasyon, orange card para sa hospitalization ng mga miyembro ng non-uniformed personnel ng MPD sa mga lokal na ospital  na pinatatakbo ng  lungsod.

Ayon kay Estrada, hindi tama na bigyan pa ng allowance ang mga scalawags na pulis na nagpapasama sa imahe ng kanilang  hanay at nasasangkot sa katiwalian.

Show comments