Philpost maglalabas ng bagong ID

MANILA, Philippines – Maglalabas ng bagong ID ang  Philippine Postal Corporation na mas ginagamit ng may 4 milyong Filipino.

Ayon kay Postmaster General Josefina dela Cruz, papalitan na ang  lumang  ID na gawa lamang sa papel at  ipina-laminate.

Ang  bagong ID ay tulad na rin ng  drivers license,  SSS ID, may holographic security image, digitally  captured signature at picture na  tinatanggap sa pagpapatupad ng  9/11 security standards.

Anya, ang  postal ID pa rin ang  siyang pangunahin, madali  at murang ID na makukuha ng   Filipino na magagamit nila sa kanilang  transaksiyon.

Sisimulan ngayon, buwan ang pag-iisyu ng ID sa ilang mga post offices sa Metro Manila  habang  sa Enero naman sa buong bansa.

Show comments