Transgender kinatay ng kawatan

MANILA, Philippines - Binurdahan nang saksak ang katawan ng isang 55-anyos na transgender ng hindi pa nakilalang mga kawatan na pumasok sa pag-aari nitong restobar kamakalawa ng gabi sa Tayabas City, Quezon.

Ang biktima na nasawi noon din dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Joselito Valencia Añonuevo alyas Joy, may-ari ng Koozy Resto Bar at residente  ng #41 Mariano Ponce St., Brgy San ­Diego Zone 2  ng lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong alas-11:30 ng gabi nang marinig ng ilang kapitbahay ang ingay na nilikha mula sa basement ng restobar at ang sigaw ng biktima.

Kaya’t humingi ng tulong ang mga residente sa mga otoridad na nagresponde sa lugar at dito ay natagpuan ang duguang biktima.

Nadiskubre ring nawawala ang isang imported na laptop at hindi pa madeterminang cash na tinangay ng apat na suspek na namataang tumatakbo palabas sa naturang resto bar.

Show comments