Kampo ng ASG nakubkob

MANILA, Philippines – Nakubkob ng pu­wersa ng AFP ang isang kampo ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa bayan ng Patikul, Sulu kahapon.

Sa ulat na natanggap ni AFP Public Affairs Office chief Lt. Col. Harold Cabunoc, dakong alas-3:00 ng hapon nang makubkob ang kampo ng ASG na isang abandonado.

Posible anya na tinirhan ng may 100 katao na kung saan ay narekober ang mga materyales na panggiyera.

Tumanggi naman si Cabunoc na ibigay ang lokasyon ng kampo na pinaglagakan ng bandido sa hinostage nilang German couple na sina Stefan Viktor Okonek at Henrike Dielen dahil patuloy pa anya ang pagtugis ng militar sa mga bandido.

Show comments