Mga anak hinostage... Misis todas sa baliw na mister

MANILA, Philippines – Pinatay muna ng isang mister na may diperensiya sa pag-iisip ang sariling misis bago niya hinostage ang mga anak, habang napatay naman siya  ng mga nagrespondeng pulis kamakalawa sa Brgy. Lumad, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Nagtamo ang ginang na si Martiniana Rellon, nasa hustong gulang ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinasawi.

Habang napatay naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang suspek na si Rene Boy Rellon Sr. nang tangkaing sugurin ng taga ang mga otoridad.

Batay sa ulat, bago nangyari ang hostage drama bandang alas-3:30 ng madaling araw ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa hindi pa malamang kadahilanan hanggang sa kumuha ng itak at pinagtataga ang misis.

Nang mapatay ang misis ay isinara nito sa kuwarto at hinostage ang mga anak, pero nakatakas ang tatlo at naiwan ang bunsong si Rene Boy Rellon Jr.

Mabilis namang nag­responde sa lugar ang Special Weapons ang Tactics Team (SWAT) ng Pagadian City Police at  hinimok ang suspek na sumuko.

Matapos ang mahigit dalawang oras at nabigo ang negosasyon ay napilitan na ang mga otoridad na pasukin ang kuwarto matapos na masilip sa butas na tatagain na nito ang bunsong anak.

Pagpasok ng mga ope­ratiba ay dinaluhong ang mga ito ng suspek ng itak kaya’t napilitang barilin na ikinasawi nito.

Show comments