QCVM Joy B nanguna sa medical mission at job fair

Pinangunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista, House Speaker Feliciano Belmonte,Vice Mayor Joy Belmonte at iba pang opisyales ng lungsod ang paggupit ng ribbon sa isasagawang Food Festival sa kahabaan ng Maginhawa St., na bahagi ng  isang linggo pagdiriwang ng Quezon City Diamond Jubillee.- Joven Cagande-

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, ang isinagawang citywide medical mission, citywide job fair, street party at iba pang programang pang-kababaihan bilang paunang selebrasyon sa pagdiriwang ng 75th Diamond Jubillee ng QC kahapon.

Isinagawa ang medical mission sa iba’t ibang covered court mula district 1 hanggang district 6, samantala ang jobs fair ay naisagawa sa mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa Ali Mall Cubao, Fisher Mall Activity center, SM City Fairview, SM City North Edsa Sky Dome, Benigno Aquino Elementary School at St Cathe­rine College.

Nagkaroon din ng citywide street party sa iba’t ibang itinalagang lugar mula district 1 hanggang district 6 at food festival.

Ngayong araw ay magkakaroon ng misa ng bayan sa umaga  sa QC Memorial Circle gayundin ng Parade Floats, Zumba class at Gawad Parangal sa alas-6:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Show comments