Lalaki nagbigti sa puno

MANILA, Philippines - Natagpuang naka­bigti sa isang puno malapit sa TV station ang isang lalaki kamakalawa ng gabi sa GMA drive kanto ng Samar St., Brgy. South Triangle, Quezon City.

Isinalarawan ng pu­lisya ang biktima na nasa pagitan ng edad 30-35, nakasuot ng itim na ­t-shirt at asul na short pants,may tattoo na hugis puso, barbwire sa kanang braso.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi nang mapansin ng sekyu ng GMA network ang naka­bigting lalaki isang puno malapit sa pasukan ng TV station sa nasabing lugar habang ito ay nagsasagawa ng pagroronda.

Nabatid na bago natagpuang patay ang lalaki ay nagpunta ito sa TV station dakong alas-3:00 ng hapon at hinahanap si Mike Enriquez para magsumbong kaugnay sa madalas na pananakit umano sa kanya ng kanyang nanay.

Inaalam ng pulisya kung may diperensya sa pag-iisip ang biktima.

 

Show comments