2 sakay ng motor todas sa salpok

MANILA, Philippines -  Kapwa hindi na umabot ng buhay sa ospital ang magkaanak na sina Jessie Villanueva, 29 at Reynaldo Villanueva, 58, kapwa residente ng Brgy. Maymangga, Amadeo, Cavite nang ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa isang pampasaherong jeep sa General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na si Adriano Colada, 53, ng Brgy. Buenavista 1, Gen. Trias, Cavite ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:00 ng gabi habang minamaneho ng suspek ang kaniyang jeep (DRV-286) at binabagtas ang Brgy. Pasong Kawayan 2 nang biglang sakupin umano ang kaniyang linya ng kasalubong na motorsiklo (WH-3108) sakay ang mga biktima at nasalpok ito.

 

Show comments