^

Police Metro

Dugo posibleng dumanak... Misuari aarestuhin na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng dumanak ng dugo kung papalag ang mga tauhan ni dating Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari sa gagawing pag-aresto ng mga security forces ng pamahalaan sa kanilang lider matapos na matukoy ang pinagtataguan nito.

Ito ang pag-amin kahapon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin kaya nag-iingat ang joint operations ng militar at pulisya sa mga hakbang na isasagawa para isilbi sa puganteng si Misuari ang warrant of arrest dito.

Sa kasalukuyan napapalibutan ng militar ang kinaroroonang lugar sa lalawigan ng Sulu si Misuari.

 “Well, kino-contain siya sa isang lugar, nga­yon meron siyang warrant of arrest, kelangan ang mag-serve ng warant dito will be the PNP so that it’s a joint operation between the PNP and AFP”, ani Gazmin.

Si Misuari, nahaharap sa kasong rebelyon ang itinuturong mastermind sa madugong Zamboanga  City siege noong Setyembre ng nakalipas na taon na kumitil  ng mahigit 200 katao na karamihan ay MNLF fighters na ang  krisis ay tumagal ng 20 araw.

Nabatid na nitong Agosto 24 ay namataan si Misuari sa isang lugar sa Panamao, Sulu na nanawagan ng kasarinlan sa itinatag nitong United Federated States of Bangsamoro Republic.

 

vuukle comment

AGOSTO

CHAIRMAN NUR MISUARI

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

GAZMIN

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

SI MISUARI

UNITED FEDERATED STATES OF BANGSAMORO REPUBLIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with