Estudyante na bibili ng pagkain nakuryente

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 4th year high school na si Carena, Lizano, 17, dalagita matapos na ito ay nakuryente habang naglalakad sa isang kalye sa Brgy. Olympia, Makati City.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Hormiga St., nang hindi nito napansin ang nakausling live wire at nasagi niya ito  na  naging dahilan para siya ay  makuryente.

Sa salaysay ng ama ng biktima na si Antonio Lizano, nagpaalam lamang  ang kanyang anak na bibili ng pagkain nang dumating ang kanilang kapitbahay at ibinalita ang nangyari sa anak.

Show comments