Laging nakapostura kapag umaalis... misis inutas ng selosong mister

MANILA, Philippines - Parang hayop na kinatay ng isang mister ang kanyang misis nang ataduhin niya ng saksak matapos ang kanilang pagtatalo dahil sa matinding selos at pagdududa na ito ay may ibang lalaki naganap kamakalawa sa Purok 4, Brgy. Colorado, Digos City, Davao del Sur.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Davao Del Sur Provincial Hospital ay kinilalang si Wendy dela Pena  Toledo, 25.

Nadakip sa isang follow-up operations ang mister nitong si Alfredo Toledo, nasa hustong gulang  na kinasuhan ng parricide.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:00 ng hapon sa bahay ng mag-asawa sa nasabing lugar ay nagseselos umano ang mister dahilan laging nakapustora ang nasabing misis sa tuwing aalis ito ng bahay.

Kaya’t sinita ng suspek ang misis kung bakit laging nakapostura at naghinala na may iba itong lalaki.

Pinabulaanan ng biktima ang bintang ng mister hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa napikon ang suspek at kinuha ang patalim sa kusina at walang a­wang pinagsasaksak ang mi­sis.

Show comments