Small rice traders nagpapasaklolo kay P-Noy

MANILA, Philippines - Nagpapasaklolo kay Pangulong Noynoy Aquino ang nasa mahigit 3,000 maliliit na negosyante ng bigas mula sa Northern Luzon at sa iba’t ibang panig ng bansa na masolusyunan sa lalong madaling panahon ang halos isang buwan na nilang pagdurusa hinggil sa pagkapilay ng kanilang negosyo.

Ayon sa mga negosyante hindi na sila maka-hango ng suplay ng bigas mula sa Purefeeds na nasa Tikas St., Malolos, Bulacan nang ipasara ng gobyerno noong nakaraang buwan sa diumano’y may  halong animal feeds ang produkto.

Ipinagtataka ng mga ito kung bakit hindi pa binibigyan ng pahintulot ng mga otoridad na buksan ang Purefeeds gayung nagbigay na ng linaw si National Food Authority (NFA) Director Rex Estoperez noong Hulyo 7, 2014 na malinis at walang halong “animal feeds” o pagkain ng hayop ang bigas na nakaimbak sa naturang bodega.

Hiling din ng mga ito na paimbestigahan ni P-Noy ang umano’y umiiral na pamumulitika sa usapin ng bigasan ng mga pulitiko na may sariling agenda kaya’t patuloy nilang hinaharang at inaantala na mabuksan ang warehouse. 

 

Show comments