Trader nasagasaan ng forklift

MANILA, Philippines - Halos nagutay ang katawan ng isang 37-anyos na negosyante matapos na masagasaan ng forklift habang humahango ng kalakal sa Pier 18, North Harbor, Tondo, Maynila.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Edwin Custodio, may-asawa, residente ng no. 230 Moriones St., Tondo.

Ang suspek na nasa kostudya ng ManilaTraffic Enforcement Unit ay kinilalang si Jose Sibangan, forklift operator.

Sa ulat ni traffic investigator Bert Francisco, dakong ala-1:30 ng madaling-araw habang nasa kasagsagan ng trabaho ang mga taga Pier 18 nang maganap ang insidente.

Ayon kay Sibangan na madilim sa lugar at hindi niya napansin ang biktima na nag-aabang ng kanyang kalakal at naram­daman na lamang niya na may nasagasaan siya.

Nang makita ng mga trabahador ang biktima na nakahandusay ay mabilis itong isinakay sa ambulansiya ng Philippine Ports Authority at isinugod sa Mary Johnston Hospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

Show comments