Chief of police tinodas sa bar

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang hepe ng pulisya nang ito ay pagbabarilin ng isang lalaki  sa Tacloban City, Leyte kahapon ng madaling-araw.

Ang nasawi dahil sa tinamong apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Sr. Inspector Lucino Lopido, 49, hepe ng pulisya ng Paranas, Samar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-12:45 ng mada­ling-araw sa Dino’s Music Bar na matatagpuan sa kahabaan ng Gomez St., ng lungsod ay nagsagawa ng surveillance operation sa lugar ang biktima.

Napansin ng biktima ang isang lalaki na pinaghihinalaan nitong kriminal kung kaya’t sinita niya ito.

Subalit, mabilis na bumunot ng baril ang nasabing lalaki at pinaputukan ang biktima ng apat na sunod na ikinabulagta nito.

Nagtakbuhan ang mga kustomer at empleyado sa loob ng bar na sinamantala ng suspek sa pagtakas.

Narekober sa lugar ang mga basyo ng bala ng cal 9 MM pistol sa crime scene.

Show comments