Truck vs. motorsiklo: Mag-ina utas

MANILA, Philippines - Dedo agad ang mag-inang magkaangkas sa motorsiklo nang suwagin ang mga ito ng rumaragasang truck  sa highway ng Barangay Lumbangan, Tuy, Batangas kahapon ng umaga.

Sa report ng pulisya, nakilala ang mga biktimang sina Marcela Rejas at Alyzza Rejas na kapwa dead-on-arrival sa Apacible Memorial Hospital .

Naganap ang insidente alas-6:50 ng umaga sa nasabing lugar habang lulan ang mag-inang biktima ng kulay asul na motorsiklong Yamaha at walang plaka.

Bigla na lang umanong sinuwag ng Isuzu Elf (ZRL-905) na minamaneho ni Maximo Makabili ang nasabing mga biktima at sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mag-ina.

Agad naman dinampot ng pulisya ang driver ng truck at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at damage to property.

 

Show comments