Street sweeper dedo sa truck

MANILA, Philippines - Tila nilamon ng trailer truck ang isang 52-anyos na street sweeper ng Manila Metropolitan Development Authority  matapos masagasaan nang tumawid sa Delpan bridge, sa Tondo, Manila, kahapon ng umaga.

Wasak ang katawan ng biktimang si Alberto Rondilla, may asawa, residente  ng 258 Sta. Barbara St., Tondo, habang hawak na ng Manila Traffic Enforcement Unit ang driver na si Gerry Lura, 55, ng Caloocan City.

Ang insidente ay naganap  dakong alas-10:00 ng umaga sa tulay ng Delpan, panulukan ng San Patricio St., sa Tondo, kung saan tumatawid ang biktima  dahil kakain lang sa isang karinderiya nang  hindi umano mapansin ng driver at nahagip ito sa bandang huling gulong ng truck.

Show comments