HS student utas sa ‘selfie’
Mer Layson (Pang-masa) - July 4, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 14-anyos na dalagitang estudyante sa high school ang nasawi nang mahulog sa hagda­nan ng kanilang eskwelahan sa Pasig City habang nagse-”selfie photo”.

Hindi na ibinigay ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng biktima dahil sa pagiging menor-de-edad nito.

Ayon sa ulat ng pulisya, kahapon lamang naiulat sa kanila ang pangyayari na naganap sa loob ng Rizal High School sa nasabing lungsod bagamat nangyari ito noong Lunes ng alas-10:21 ng umaga.

Lumalabas sa imbestigasyon  na nahilo at nawalan ng balanse ang estudyante
habang kinukunan ng larawan ang sarili kasama ang isang kaklase sa
hagdanan sa ikatlong palapag ng IR building ng paaralan.

Naitakbo pa ang biktima sa Rizal Medical Center Hospital ngunit nalagutan din ng hininga makalipas ang isang oras  dahil sa pagkabali ng buto nito at pagkakaroon ng malaking sugat sa ulo.

Sa pahayag ng mga kaanak ng biktima na sila ay nakatatanggap ng iba’t ibang ulat tungkol sa pagkamatay ng biktima.

Sinabi ng tiyuhin ng biktima na una silang nakatanggap ng tawag mula sa adviser ng biktima na ito ay dinala sa ospital dahil sa pagkahilo, subalit nang puntahan niya ay patay na ang  kanyang pamangkin.

Hiniling ng ina ng biktima na tulungan sila ng mga nakakakita sa insidente upang maliwanagan ang tunay na dahilan.

Ayon sa report, ang insidente ay naganap sa oras ng klase, pero wala
ang kanilang guro kaya nakalabas ng class­room ang mga mag-aaral at doon
nag-selfie ang biktima.

Nakatakdang iuwi ng Barangay San Gabriel sa Laurel, Batangas ang labi
ng mag-aaral para doon ilibing.

Wala pang pahayag ang mga kinaukulang opisyal ng ng Rizal High
School at maging ang pamunuan ng Department of Education.

AYON BARANGAY SAN GABRIEL BATANGAS BIKTIMA DEPARTMENT OF EDUCATION PASIG CITY RIZAL HIGH RIZAL HIGH SCHOOL RIZAL MEDICAL CENTER HOSPITAL
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with