Bus tumagilid: 15 sugatan

MANILA, Philippines - Labinlimang pasahero ang nasugatan matapos ang sinasakyan nilang bus ay tumagilid kamakalawa sa South Luzon Expressway (SLEX), Taguig City kamakalawa ng hapon.

Ayon sa report ng Highway Patrol Group (HPG), SLEX, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon sa may Nichols, south bound lane, Taguig City.

Mula sa terminal ng Pasay  City ay bumiyahe ang Antonina bus (EVP-135) patungong Sorsogon na minamaneho ni Antonio Calitisin, nang bigla na lamang itong tumagilid pakaliwa malapit sa toll plaza.

Ayon sa driver na si Calitisin, iniwasan niya ang isang nag-cut na sasakyan  dahilan upang sila’y tumama sa poste at napunta sa center island at tumagilid.

 

Show comments