Binata kinalasan ng nobya, naglason

MANILA, Philippines - Sa umano’y sobrang depresyon matapos kalasan ng nobya ay nagawa ng isang binata na magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner sa harap ng bahay ng dating nobya sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Jeus Angelo Palad, ng #195 Selecta Drive, Brgy. Pag-ibig sa Nayon sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya,bago nangyari ang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-5:00 ng umaga sa harap ng bahay ng da­ting nobya sa may #42-B, Samson compound, Selecta Drive ay kinalasan ito ng nobya na kinila­lang si Alexandria, may dalawang linggo na ang nakakalipas.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima, alas-4:30 ng madaling-araw na nakaupo sa labas ng bahay ng dating nobya na malungkot dahil sa sakit na nararamdaman hingil sa kanilang paghihiwalay.

At sa nasabing oras ay nakita ang biktima na nakahandusay kaya’t ipinagbigay alam ito sa barangay at nang respondehan ay nakita sa tabi ng bangkay ang  isang plastic bottle na naglalaman ng silver cleaner.

 

Show comments