_pang-masa
^

Driver dedo sa tandem

Danilo Garcia (Pang-masa) - April 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dedo ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

 Naisugod pa sa Tondo General Hospital ngunit nalagutan rin ng hininga ang biktimang si Romel Leonud, 39-anyos, residente ng Dagat-Dagatan Avenue sa lungsod.

 Nadakip naman si Jeffrey Monreal, 39 ng Phase 2, Longos, Malabon City habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.

 Sa ulat, alas-5:40 ng madaling araw, nag-aabang ng pasahero ang biktima malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin at mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Masuwerte namang isa sa mga nakasaksi ang nakakilala sa suspek na si Monreal sanhi upang maaresto ito sa ikinasang follow-up operation ng pulisya. Patuloy namang inaalam ng mga im­bestigador ang motibo ng naturang pamamaslang.

 

CALOOCAN CITY DAGAT-DAGATAN AVENUE JEFFREY MONREAL LONGOS MALABON CITY MASUWERTE MONREAL ROMEL LEONUD TONDO GENERAL HOSPITAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with