Political officer ng NPA sumurender

MANILA, Philippines - Isa na namang dagok sa liderato ng New People’s Army (NPA) ang ginawang pagsuko sa gobyerno ng isa nilang  political officer sa Brgy. Linao, San Isidro, Davao del Norte kamakalawa.

Ang sumukong lider ng mga rebelde ay kinila­lang si Geneng Ambas, alyas Ka Chong.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga nang sumurender si Ka Chong sa tropa ng Army’s 72nd Infantry Battalion  sa Purok 6, Brgy. Linao, San Isidro.

Nabatid na si Ka Chong at ang grupo nito ay aktibong nag-o-operate at sangkot sa talamak na extortion sa ilang mga bayan ng Davao del Norte.

Umaabot na sa 230 ang mga nagsisukong rebeldeng NPA simula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan.

Show comments