P.1-M reward sa killers ng mag-ama sa Malabon

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng P100,000 pabuya si Ma­labon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta III sa sinu­mang makapagtuturo para ikadarakip ng magnanakaw na pumatay sa isang mag-ama sa Malabon City, kamakalawa.

Maaari aniyang tu­ma­wag sa mga nume­rong 281-4999 local 1009/09155655385 o di kaya’y 09189174507 ang sinumang makapagbibigay impormasyon hinggil sa mga suspek na responsable sa pagpatay sa mag-amang sina Felizardo Coralde, Jr., 47,  record officer ng Malabon City Hall at anak na si Albert, 19, engineering student, kapwa residente ng N. Vidal St., Barangay Ibaba ng lungsod.

Ang mag-ama ay ginapos muna bago gilitan ng mga suspek at tinangay ang mahahalagang gamit.

Show comments