Rape gawa-gawa lang!

MANILA, Philippines - “Buong sambayanan ay nakita na nga ang CCTV footage that is to me the best evidence on the sequence and the best evidence of the people who were inside the room, this rape case is totally concocted, no factual basis for this, I don’t think this rape case will be favorable acted upon by the prosecution agency of the government”.

Ito ang inihayag ng abogado ni Vhong Navarro na si Atty. Dennis Manag tungkol sa pagsasampa ng kasong rape ni Deniece Cornejo laban sa kanyang kliyente na gawa-gawa lang para lang may maisampang kaso sa actor na nauna nang nagsampa ng anim na  kaso laban kay Cornejo, Cedric Lee at iba pa sa Department of Justice.

Una na ring nagpahayag ang abogado ni Cornejo na si Atty.Howard Calleja na pineke ang CCTV.

Show comments