Al Cuenca Ð 76

MANILA, Philippines - Pumanaw na noong Disyembre 25 (araw ng Pasko) ang beteranong manunulat at poeta na si Alfredo O. Cuenca at ang kanyang mga labi ay nakalagak ngayon sa St. Peter Memorial, Kings Chapel sa Quezon Avenue, Quezon City.

Si Cuenca ay dating director ng Bureau of Broadcast at nagturo bilang propesor sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Naging speechwriter din si Cuenca ng mga nagdaang Presidente ng Pilipinas simula pa kay yumaong Presidente Marcos hanggang kay Presidente Fidel Ramos.

Pansamantalang itinakda ang libing ni Cuenca sa Enero 4, 2014.

Show comments