2 bala itinanim sa ulo ng ginang

MANILA, Philippines - Dalawang bala sa ulo at dalawang bala sa katawan ang itinanim ng isang gunman sa isang ginang na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na kinilalang si Caroline Ginilo, 29, ng San Francisco del Monte ay hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Batay sa ulat, alas-11:45 ng gabi ay sakay ang ginang ng motorsiklo at angkas ang 15-anyos nitong anak na lalaki nang malapitan barilin ng apat na beses ng suspek na sakay din ng motorsiklo sa kahabaan ng Roosevelt Avenue sa Barangay Paraiso.

Sinisiyasat ng pulisya ang anggulo ng iligal na droga dahil sangkot umano dito ang biktima.

Show comments