Kuya tinigok ng utol
Angie dela Cruz (Pang-masa) - December 8, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagtalo ang isang magkapatid na nauwi sa pananaksak ng na­kababata sa kanyang kuya habang naghahanda ng hapunan sa kanilang bahay kamakalawa sa Zamboanga City.

Kinilala ang nasa­wing si Elvin Sarange, 23, may-asawa ng  Sitio Uwak, Barangay Licomo, Zamboanga City. Habang tumakas naman ang kapatid nito na si Benjie, 20.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ay naghahanda ng hapunan ang biktima nang dumating ang suspek na sinita ng una at sinabihan na uuwi lang para kumain at hindi naman tumutulong ng gawain sa bahay.

Nagpanting ang tenga ng suspek at kinompronta ang kuya na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa nakakuha ng patalim at sinaksak ang kuya nito.

Dinala sa ospital ang biktima habang ang suspek ay mabilis na tumakas.

 

BARANGAY LICOMO BENJIE DINALA ELVIN SARANGE HABANG KINILALA NAGPANTING SITIO UWAK ZAMBOANGA CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with