Inaway ng nobya, binata nagbigti

MANILA, Philippines - Hindi matanggap ng isang 19-anyos na binata ang pakikipaghiwalay ng kanyang nobya matapos na sila ay mag-away kung kaya’t nagbigti ito sa kanilang bahay sa Valenzuela City kamakalawa.

Ang biktima na hindi umabot ng buhay sa Fatima Medical Center ay nakilalang si Padz Espadillon, ng La Huerta St., Barangay  Marulas ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang makitang nakabigti ang biktima ng nylon cord sa loob ng pinagagawang kulungan ng manok sa tabi ng kanilang bahay ng mga kaanak.       

Sa salaysay ng mga kaanak, bago nagpakamatay ang biktima ay nakikita itong laging malungkot matapos silang mag-away ng kanyang nobya nang malaman na may nanliligaw dito.

 

Show comments