^

Police Metro

Van kinarnap sa Star City

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napalitan ng kalungkutan ang pamamasyal ng pamilya ng isang ginang sa loob ng Star City matapos sa pag-uwi nila ay nawawala na ang kanilang van na ipinarada nila sa parking area ng nasabing amusement park sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Wala nang nagawa kundi iulat at ipaalarma na lamang ni Maricel Songcuya, 36-anyos, ng Block 21, Lot 1, Phase 2, Mabuhay City, Paliparan, Dasmariñas City, ang pakawala ng kanyang Isuzu NKR ecovan (XKU-212).

Sa salaysay ni Song­cuya, dakong alas-11:30 ng gabi nang ipinaparada niya ang sasak­yan sa kanyang driver na si Eric Delos Santos sa “free parking area” ng Star City.

Dakong alas-4:00 na ng madaling-araw nang lumabas ang pamilya ni Songcuya at pinuntahan ng driver ang pinagparadahan ng sasakyan ay hindi na ito mahagilap sa lugar.

Kaagad namang ginalugad ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1 ang CCP Complex hanggang sa SM Mall of Asia sa pag-asang matunton pa ang sasakyan ng biktima, su­balit bigo na silang makita ang nawawalang sasakyan.

DAKONG

ERIC DELOS SANTOS

MABUHAY CITY

MALL OF ASIA

MARICEL SONGCUYA

PASAY CITY

POLICE COMMUNITY PRECINCT

STAR CITY

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with