2 superior damay din... 2 pulis-Maynila na walang helmet, sinibak

MANILA, Philippines - Apat na pulis-Maynila ang sinibak sa puwesto matapos na maaktuhan ang dalawa dito na walang suot na helmet habang nagmomotorsiklo ng mismong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. kahapon ng umaga.

Ang mga sinibak ay sina PO2s Nuñez at Paes, na nakatalaga sa Barbosa Police Community Precinct ng MPD  Station 3 at bilang command responsibi­lity ay pinasisibak din sa puwesto ang kanilang superior na sina Senior Supt. Ricardo Layug, hepe ng MPD Station 3 at Barbosa PCP commander Senior Inspector Robinson Maranion.

Batay sa ulat, patungo ng La-Loma Police Station si Garbo upang magsagawa ng surprise inspection nang maaktuhan niya sina PO2s Nunez at Paes na nakasuot ng uniporme na nakasakay sa motorsiklo na walang suot na helmet at kanya itong sinita.

Bukod pa dito, isa sa dalawang pulis ay may bigote na mahigpit itong ipinagbabawal sa PNP.

Una nang sinibak ang 8 pulis-Muntinlupa City matapos ma-late sa pagdalo ng command conference na ginanap sa Muntinlupa City Headquarters.

Show comments