Army Capt., 1 pa todas sa Basilan

MANILA, Philippines -Napatay sa isang sagupaan sa Basilan sina Capt. Harold Camazo, Commanding Officer ng 11th Scout Ranger at isang enlisted personnel nang makasagupa ang hindi pa madeterminang bilang ng nagsanib puwersang mga bandidong Abu Sayyaf Group at Bangsa­moro Islamic Freedom Figh­ters (BIFF) sa Ungkaya Pukan, Basilan kahapon ng tanghali.

Batay sa ulat, bandang alas-11:26 ng tanghali  nang makasagupa ng tropa ng 11th src na nagsasagawa ng clearing operation sa Brgy. Materling, Ungkaya Pukan ang hindi pa madeter­minang bilang ng mga bandido.

Sa kasagsagan ng bakbakan ay minalas na masapul ng tama ng punglo si Ca­mazo at isa pang sundalo  na ikinamatay ng mga ito.

Nagsiatras naman sa bakbakan ang mga bandi­do na pinaniniwalaang nalaga­san rin ng puwersa sa ilang oras na sagupaan.

Patuloy naman ang isina­sagawang clearing opera­tions ng tropa ng mga sundalo upang hanapin ang mga nalagas sa panig ng mga kalaban na posibleng ina­bandona ng kanilang mga kasamahan.

 

Show comments