Binata naipit sa makina, utas

MANILA, Philippines - Utas ang isang binata makaraang maatrasan at maipit ng prime mover na gamit sa pagsalansan ng mga container vans sa Pier 15, South Harbor, Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Franze Raynon Divinagracia, apprentice sa M/V St. Pope John Paul II na pag-aari ng  2Go Shipping Lines, tubong Bacolod, Negros Occidental.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa wagon deck ng nasabing barko.

Mabilis namang tumakas ang driver ng prime mover na kinilalang si Rommel  Cruz, 37, ng Asian Terminal Inc. matapos ang insidente.

Hindi umano napansin ni Cruz na naatrasan niya ang biktima na ang unang nasagi nito isang container van.

 

Show comments