4K katao dumalo sa ‘pork’ rally sa Luneta

MANILA, Philippines - Sa pagtaya ng National Parks and Development Committee (NPDC) ay aabot lamang sa 4,000 ang dumalo sa idinaos na ‘People’s March and Youth Concert’ laban sa pork barrel kahapon sa Luneta Park.

Sinabi ni NPDC spokeperson Kenneth Montegrande: “kakalog-kalog sila ngayon,di kagaya nung una, kasi kahit yung mga estudyante nagkakaniya-kaniyang mag-uwian kaya hindi mo makitang lumalaki ang crowd.

Naging kapansin-pansin ang suot na gown costume ni Juana Change, na yari sa malaking cable ng wire na kulay orange na nakapaikut-ikot habang ulo ng baboy na orange din ang head dress.

Hindi umano tulad ng unang idinaos na rally noong Agosto 26, na “Million People March” dahil umabot ito sa 75,000.

Ayon naman sa grupong Gabriella na nasa 10-libo ang dumalo dahil mayroon silang attendance list.

Show comments