Bangkay lumutang sa Pasig river

MANILA, Philippine s- Lumutang sa Pasig River ang bangkay ng isang hindi pa  nakikila­lang lalaki sa Port Area, Maynila, kahapon ng hapon.

Agnas na ang bangkay na inilarawan sa edad na 35-40, nakasuot ng itim na sando, maong na shortpants at katamtaman ang laki ng katawan.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:00 ng hapon nang makitang lulutang-lutang ang bangkay malapit sa ICSTI office sa Port Area, Maynila.

Nakita ng ilang seaman ang bangkay ng lalaki habang paaalis ng lugar ang kanilang sinasakyang barko na itinawag na lamang sa radio ng RVV security office para makipag-ugnayan sa mga awtori­dad.

Sa pagtaya ng im­bestigador, nasa 2-3 araw nang babad sa tubig  ang bangkay dahil sa pamamaga ng mukha at mata nito.

 

Show comments