^

Police Metro

Higit 800 pamilya sa MM inilikas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Inilikas ng pamunuan ng Metropolitan Manila Develpement Authority (MMDA) ang mahigit 800 pamilya sa mga evacuation areas dahil sa pagbabaha sa mga lungsod ng Maynila, Quezon City, Makati, Mandaluyong, San Juan, Marikina at Pasay.

Sa nakalap na impormasyon ng MMDA, nasa 436 pamilya ang inilikas sa mga Barangay Concepcion, Malanday at Nangka sa Marikina; 68 pamilya sa Baseco, Tondo, Maynila; 65 sa Quezon City; 80 pamilya sa mga Barangay Bangkal, Mabini, at Rizal sa Makati; 125 pamilya sa Barangay Addition Hills, Daang Bakal, Mabini at Poblacion sa Mandaluyong, 58 pamilya sa Barangay Salapan, Kabayanan, at Balong Bato sa San Juan.

Nasa 84 pamilya sa 10 barangay sa Pasay City  na ang karamihan ay naninirahan sa Maricaban creek at Tripa de Galina ang pinalikas sa iba’t ibang evacuation centers sa lungsod tulad ng mga “gymnasium, day care centers, at mga barangay halls.

 

BALONG BATO

BARANGAY ADDITION HILLS

BARANGAY BANGKAL

BARANGAY CONCEPCION

BARANGAY SALAPAN

DAANG BAKAL

MABINI

MAKATI

MANDALUYONG

QUEZON CITY

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with