Trader inutas ng kapitbahay

MANILA, Philippines - Isang 62-anyos na negosyanteng Tsinoy ang sinaksak hanggang sa mapatay ng kaalitang kapitbahay sa Tondo Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nasawi habang ginagamot sa Ospital ng Tondo ang biktimang si  Antonio Chua, residente ng  #2750 Sunog Apog St., Tondo sanhi ng saksak sa dibdib.

Itinuturong suspek ang isang Jimmy Guevarra, 40-anyos, kapitbahay ng biktima na tumakas matapos ang pananaksak.

Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima.

Tumalon umano sa bakod ng bahay ng biktima ang suspek at nang makapasok ito sa loob ay mabilis na inun­dayan ng saksak ang bik­tima sa dibdib.

Tsismis lamang umano ang dahilan ng matagal nang alitan ng biktima at suspek subalit ayaw umanong idetalye ng misis ng biktima.

Show comments