Paslit hinalay ng kapitbahay sa banyo

MANILA, Philippines -Halos nasa state of shock at hindi makapagsalita ang isang 6-anyos na batang babae na  isinailalim sa medical checkup matapos na siya ay halayin ng kapitbahay sa banyo na naganap sa Brgy. Luya­han, Zamboanga City

Arestado naman ang suspek na kinilalang si Willie Zapata, nasa hustong gulang matapos po­sitibong ituro ng bata.

Sa salaysay ng biktima matapos  ang ilang araw na pagkatulala, sinabi nito sa kaniyang mga magulang na inabuso siya ng suspek sa loob ng banyo  matapos umano siyang pasukin habang naliligo kamakailan .

Ang suspek ay kinasuhan ng rape.

 

Show comments