Bricks ng mga marijuana nasamsam sa bus terminal

MANILA, Philippine s- Umaabot sa kabuuang 142 bricks ng marijuana ang nasamsam ng mga otoridad sa compartment ng Victoty Liner bus sa kanilang terminal sa Que­zon City kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang ito ay maamoy ng bus dispatcher na si Hernie Marpa habang nagtatawag ng pasahero.

Nang busisiin ni Marpa ay natuklasan ang mga bricks ng marijuana na umaabot sa 142.

Nabatid na galing umano ang kahon sa Tabuk City, Kalinga Apayao, at nakatakdang kunin nina Ma. Dolores Pacay at Renato Peralta.

Nang malamang may darating na mga pulis ay agad na sumibat ang mga ito.

 

Show comments